Thursday, October 24, 2013

Iba't ibang Klase ng Boyfrend

Konti pa lang ang naging boyfrend ko, pero dahil sa mga pinagsama samang kwento sa akin ng aking mga kaibigan, nakabuo ako ng listahan ng mga klase ng boyprend. Eto sila:
DA WAPAKELS BF - eto yung mga boyfrend na maski makipaglandian ka na sa ibang lalaki, okay pa din sa kanya. Wala syang pakealam kahit di ka magparamdam sa kanya ng isang taon. Basta ang alam nya, gf ka nya.. Period.
ANG MAPANGHINALA - Sa mga mata nya, lagi kang may ginagawang kalokohan. Maski asa bahay ka lang at matiwasay na nanunuod ng tv„ magtetext yan at sasabihing, “Asan ka ba ha? Asa bahay ka lang? Sinungaling! Baka nasa ibang lalaki ka lang!.” Mahirap maging bf ang mga ganitong klase ng lalaki, Tatawag na lang yan bigla bigla, para icheck kung totoo ang mga sinasabi mo. Sobrang Mapanghinala. Kulang na lang itali ka nya sa likod nya.
MR. SELOSO - kapatid ni Mapanghinala. Sila ang klase ng boyfrend na may kausapin ka lang na ibang lalaki, nagseselos na kaagad. Hindi ka na papansinin, and eventually baka makipagbreak pa sayo. Para sa kanila, bawal ka tumingin sa ibang lalaki o sa ibang hayop o sa ibang bagay, dapat sa kanila ka lang nakatingin. Dapat sa kanila lang nakatuon ang atensyon mo.. At sa monthsary nyo, reregaluhan ka nya ng pantakip ng mata sa kabayo, para diretso lang ang tingin mo, diretso lang sa kanya.. Erk..
DA SEXUS ADIKTUS - ginawa ka lang nyang gerlpren kasi wala syang mapagtapunan ng mga kalaswaan nya. Tapos.
MR. IKAW ANG BUHAY KO/ SAYO LANG UMIIKOT ANG MUNDO KO - Eto ang masayang maging bf, sa umpisa. Syempre kapag una palang kayo tuwang tuwa ka sa atensyon na binibigay nya. Pero di na masaya kapag tumagal tagal na. Yung tipong gusto nya kayo lang dalawa ang laging magkasama. Ikaw lang ang kaibigan nya. Kayong dalawa lang ang pwedeng magdamayan.. Kapag nagbreak kayo ni Mr. Ikaw Ang Buhay Ko, kawawa kang bata ka. Kasi pinagpalit mo lahat ng kaibigan mo para sa kanya, tapos pati sya, ang natitirang tao sa buhay mo, mawawala pa.
Tinatamad na akong tapusin ang listahan nato, kasi alam kong napakarami pang klase ng boyprend. Baka yung iba, hindi pa nadidiscover na may ganun pala. Ay„ meron pa palang kulang..
DA PERFECT BOYFRIEND - sya ang iyong man of your dreams. Hindi gaanong seloso. Hindi nakakasakal. Sobrang sweet sayo. Napakathoughtful. At kahit kelan hinding hindi ka papaiyakin. In short, nonexistent..Kaya nga man of your dreams e„ dahil mabubuhay lang sya sa iyong panaginip..At asa sayo na iyon kung hihintayin mo syang magkatotoo.

No comments:

Post a Comment