Thursday, October 24, 2013

GMA's The Last Prince is sooooo funny!



Napanuod ko kahapon yung The Last Prince, isang fantaserye ng GMA na itinatampok si Aljur Abrenica at Kris Bernal. Dahil peyborit iyon ng nanay ko, at talagang nakikipag away pa sya sa remote para lang dun, e wala nakong nagawa kundi tiisin ang trenta minutong pagpapasakit para lang panuorin ang palabas nayun sa GMA.
Dahil medyo naiirita ako sa show nila Abrenica, isheshare ko sa inyo ang mga nakakatawang eksenang nangyari kahapon.

Sinasakal na ni Bawanna (Bianca King) si Lara (Kris Bernal) at patuloy pa rin sya sa pagsasalita, Take note, normal pa rin ang kaniyang boses. Parang nakikipagtsismisan lang sya habang sinasakal.
- Ansarap sakalin nung script writer ng programang yon, para malaman nya na mahirap makapagsalita kapag sinasakal ka ng bonggang bongga. Sakalin kaya kita?
May sinasakal na naman si Bawanna gamit ang kaniyang kapangyarihan. (Oo nga pala, kayang manakal ng mga kontrabida dito gamit lang ang kanilang magical powers. Oh so magical.) So ayun nga, sinasakal naman nya ngayon yung kaibigan ni Lara, yung poging lalake na di ko alam ang pangalan. Habang sinasakal yung lalaki, nakita siya ni Lara, at imbes na tulungan kaagad ang kaniyang kaibigan, kinausap nya muna ang kaniyang anak at andami nya pang atubilin. 
-Tumagal ata yung usapan nila ng 5 minutes. Ayun, sa awa ng Diyos buhay pa rin yung lalaki kahit antagal tagal na nyang sinakal. Hahaha
At eto na ang scene na pinakafavorite ko sa lahat.
Pinatamaan si Prinsipe Almiro (Aljur) ni Bawanna ng kaniyang magical power. E di duguan na nga ang prinsipe at mamamatay na RAW. Pero nung lumapit na ang kaniyang lovey dovey na si Lara at ang kaniyang anak, todo usap pa sila.
Eto example scene. Kinukuwento ni Aljur kung gano nya kamahal ang pamilya nya at kung ano dapat nilang gawin kapag patay na sya.
Prinsipe Almiro: Tandaan nyo lagi na mahal na mahal ko kayo. Lara, mahal na mahal kita. Alagaan mo yung anak natin. Sabik na sabik sya sa pagmamahal ng ina.
Lara: Wag kang ganyan, Almiro. Hindi ka mamamatay.
Nagtsismisan pa sila gayong mamamatay na nga sya? E kung tinakbo na lang sana nila sa ospital yung bida kesa ngtsismisan sila, di ba?
Wala bang hospital sa kaharian nila? Andami dami dami nilang magical powers, tapos hospital lang di pa nila naisipang gumawa.
Yan ang mga rason kung bakit ayaw ko ng The Last Prince. Buti na lang matatapos na.

No comments:

Post a Comment