Thursday, October 24, 2013

Aym a Kolcenter Agent

Isa akong kolcenter agent,
Puyatan lagi ang laban ko
Ingles inglesan ako,
Kausap ko'y mga Amerikano

Nakakastress, nakakastress,
Minumura na naman ako ng customer ko
Nakakastress na trabaho to, oo
Di mo lang alam, Mam,
minumura rin kita pag naka-mute ako

"I wanna talk to an American associate,"
sabi nung Kanang kausap ko
"Aym so sowri, Mam. Aym not an Ameyrikan.
Bat aym willing to helf you, Mam.
Iben ip aym not an Ameyrikan."

Ano ba meron saming Pilipino?
Bakit Kano pa rin hanap nyo?
Wala man akong American accent---
Pero tama naman grammar ko no!

Sa totoo lang mas accomodating pa kami senyo
"Best in Hospitality" kaya kaming mga Pilipino
Todo solve ako sa mga concerns nyo
Kahit sira na metrics ko

O sige na transper nalang kita
Kung kalahi mo talaga hanap mo
Masyado kang choosy, Mam
Parepareho naman tayong tao

Inaantok nako, tagal pa ng uwian ko
Buti nalang avail
Makakapagpahinga rin kahit papano

"Beeeeep beeeep," sabi ng Avaya
Ay, putangina! May call na naman ako!

No comments:

Post a Comment