Saturday, May 15, 2010

V-A-N-D-A-L-I-S-M

Nung hayskul ako, usong uso talaga ang mga vandals sa mga palikuran. Duon daw kasi naeexpress ng mga tao ang kanilang tunay na nararamdaman. Kailangan mo lang ng pentel pen at viola, maibubulgar mo na ang saloobin mo sa buong campus.

Puro tungkol sa mga crushes ang kadalasang umookupa sa mga pinto ng bawat cubicle sa CR.

“I love you Angelo!”

“Sino mas gwapo? Si Miguelito o si Julius?”

“Crush ko talaga si James. Ampogi nya!”

Mahal ko si ganito. Mahal ko si ganyan.. Ang cute ni ano. Ang gwapo ni kwan.. Bukod sa mga crushes, kadalasan tungkol din sa mga tsismis at awayan ang laman ng CR namin.

“Pakyu ka Rizza! Di ka naman maganda! Maputi ka lang! Mas maganda pa ako sayo! Feelingera!”

“Si Melissa, buntis kaya hindi pumapasok. Si Rodel ang tatay.”

“Jenny akala mo kung sino ka! May putok ka naman!”

Instant celebrity ka kapag lumabas ang pangalan mo sa mga vandals sa skul. Dadami kaibigan mo. Pag-uusapan ka ng mga tao. Magiging sikat ka!

Kaya nung hayskul ako, di nako nagdalawang isip. Bumili ako ng pentel pen pagkatapos ng klase. Tinyempuhan ko na kakaunti lang ang tao sa CR at nagsulat ng ganito.

“REA APUN, ANG GANDA GANDA MO TALAGA! AT ANG TALITALINO MO PA! WOOHOO! IDOL NA KITA! I LOVE YOU!”

Nilakihan ko pa yang font ng sulat ko. Pero parang wala namang epekto sa akin. Parang masama pa nga ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.

Napansin ata nila na ako rin ang gumawa nung vandal na yun.Sabi na e, mali yung ginawa ko. Bakit kasi pumirma pa ako sa dulo? Nabuking tuloy ako.

“REA APUN, ANG GANDA GANDA MO TALAGA! AT ANG TALITALINO MO PA! WOOHOO! IDOL NA KITA! I LOVE YOU!”
From: Rea Apun
(insert signature here)

Wasak!!

O haysul life. Kakamiss..=)

/akosireaapun

No comments:

Post a Comment