Saturday, May 15, 2010

Nung bata ako, di ko alam ibig sabihin ng “COCKROACH”

“Owww shucks Mom, there’s a cockroach in our house” yan ang sabi ng konyong batang kapitbahay namin noon.. Ako naman, todo kinig.. Bago kasi sa pandinig ko ang salitang COCKROAH. Grade 4 nako nun, pero aminado akong pers taym ko talagang narinig ang banyagang salitang yun.

KOKROCH?? KOKROTS?? KOWKROWTS?? Anu kaya ibig sabihin nun? Yun ang mga tanong na pumasok sa utak ko ng mga sandaling yun..

Sabay binalingan ako nung konyong bata na kapitbahay namin..

“Rea, do you have cockroaches in your house?”

Napaisip ako bigla.. Baka maganda naman ibig sabihin nung COCKROACH na yun..
Kaya sinagot ko sya,
“Opkors we have cockroach!”. Kampanteng kampante pa ko sa sagot ko.. Proud na proud dahil may COCKROACH kami, kung anu man yun..

Sabay tawanan yung mga bata.. Nakakahiya daw ako kasi may ganun kami sa bahay..

Takbo kagad ako sa haybols namin para tingnan yung salitang yun sa aming diksyonaryo. Ang English-Tagalog Dictionary„ ang librong magbibigay ng kasagutan sa aking katanungan. COCKROACH.. Hanap.. Hanap.. COCKROACH… AYUN! Napasiyet ako nung nalaman ko ang ibig sabihin ng pesteng salitang yun.. IPIS lang pala yung cockroach.. Akala ko kung ano ng bagong laro yun.. IPIS lang pala!! Peste!

May dumaan kasing ipis sa harapan ko kaya naalala ko yung nakakahiyang sandali ng aking buhay… Kaya naman kinuha ko yung tsinelas at pinalo ng pagkalakas lakas yung ipis..Sabay sabing,
“Pinagtawanan ako nun dahil sayo! Yan, patas na tayo COCKROACH!”

Bwahahaha.. (sound effect: evil laugh)

Kawawa naman yung napisang ipis.

/akosireaapun

No comments:

Post a Comment