Sunday, October 27, 2013

Mga Paraan Para Hindi Ka Mag-abot ng Pera sa Jeep

Naranasan mo na bang sumakay sa jeepney? Kung oo ang iyong sagot, malamang sa malamang ay naexperience mo na ring mag-abot ng mga bayad papunta kay Manong Drayber. Minsan kasi nakakainis na rin mag-abot ng mag-abot ng mga barya.
Yung tipong kakaabot mo ng mga barya ng kapwa mo pasahero e naiisip mo na na ‘kunduktor’ ka nung past life mo. Kaya eto ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin para hindi ka na mag-abot ng pera sa Jeep.

1. Kung babae ka, magsuot ka ng mga kikay na damit. At magpanggap na konyo. Sa tuwing may mag-aabot sayo ng barya, umakto kang diring diri sa inaabot nilang mga pera. Dapat ipakita mo pati sa mukha mo na parang isang malaking bulwak ng tae ang perang inaabot nila sa iyo. Porsyur, hinding hindi ka na nila ulit aabutan ng bayad nila.

2. Magsuot ng mga nakakatakot na damit. Ipaayos mo ang buhok mo at gawin mong tayo tayo na parang pang demonyo. Magmakeup ng itim. Magdala ka ng matatalim na kutsilyo. Tingnan lang natin kung may maglakas loob pa na abutan ka ng barya.

3. Magsuot ng headset, at magkunwaring napakalakas ng music na pinapakinggan mo. Isa ito sa mga mabisang paraan para maisalba mo ang iyong sarili sa pag-aabot ng mga barya. Sa tuwing may magpapaabot sayo ng pera, iyugyog mo ang ulo mo kasabay ng beat ng kantang pinapakinggan mo at umaktong wala kang naririnig. Wag ka mag-alala, ituloy mo lang ang pagyugyog ng ulo mo, magsasawa din mga kasama mo kakapaabot sayo.

4. Kung wala ka namang headset, dahil pulubi ka lang at wala kang pambili. Pwede rin namang umakto ka na lang na wala kang pakealam sa ibang tao sa mundo. Isa lang ang rule dito, wag na wag mong iaabot ang mga bayad ng kapwa mo pasahero kahit na magmakaawa pa sila sayo. Kahit na lakasan pa nila ang boses nila kakasabi ng “Paabot po!”, wag na wag kang matitinag,okay? Wag mo pa ring iabot ang mga bayad nila. Jayaan mo silang lumuha ng dugo, Getching?

At eto na ang pinakapaborito kong gawin sa lahat.

5. Pagkaabot mo ng bayad mo, pumuwesto ka kaagad sa dulong upuan, yung upuang pinakamalayo sa drayber, yung malapit sa labasan. May tama na lang sa utak ang sinumang mag-aabot ng barya sayo. Depende na lang kung mukha ka talagang kunduktor. Pasensyahan na lang kapag ganun.

Kung ayaw mo sundin tong mga nasa itaas, pwes mag-abot ka na lang ng barya. Madali lang naman kasi e. Iaabot mo lang. Tapos.

Wala pa naman akong nababalitaang namatay dahil lang sa pag-abot ng barya. Di ba? Hahaha

#minsan lang kasi may mga maarte talagang tao #ayaw mag-abot ng barya #naaawa ako sa kanila kaya ginawa ko tong tips nato #alabyu maaarteng pipol! #my sarcasm strikes again

No comments:

Post a Comment