Wednesday, June 23, 2010

Mga Nakakainis na Senaryo sa Jeep

Nakakabadtrip minsan sumakay ng jeep.. Iba ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo, merong emo, merong loner, merong madaldal.. At eto ang top 5 na nakakabadtrip na mga katabi sa loob ng jeep.

Number 5 = nakakairirta yung mga katabi mo na nakaheadset tapos kumakanta pa ng malakas. Okay sana kung alaRegine Velasquez ang boses, kaso hindi, mali mali pa ang tono. Minsan pumipiyok piyok pa. Ansarap hilain ng vocal chords nila.

Number 4 = isa pang di nakakatuwang katabi yung mga nagpapatugtog ng sobrang lakas sa kanilang cellphone. Hindi ko alam kung pinagmamalaki nila na may music player yung cellphone nila o bagong download lang nila yung kantang yun.. Ansarap nila pakainin ng headset. Baka sakaling magets nila kung para saan yung gamit nun.

Number 3 = ansarap naman batukbatukan yung mga lalaking super binubuka pa yung mga legs nila kahit na ansikip sikip na sa loob ng jeep. Parang wala silang pakialam kahit na mukha na kaming sardinas, tapos sya enjoy na enjoy sa ginagawa nyang pagbukaka. Akala mo naman sobrang laki ng ari-arian nya at kelangan nya pang bumukaka para magkasya yung toot nya..

Number 2 = Masarap naman itulak nung mga nagsisigarilyo sa jeep.. Nakakakabadtrip!! Di pa sya nakuntento na humithit ng usok nya at gusto nya pang ishare sa amin.. Next time nga magdadala ako ng insenso at itatapat sa mukha nya para alam nya yung feeling ng nauubusan ng oxygen sa baga.

At eto na ang number 1 badtrip na katabi sa jeep… Dandananandandan.. (syempre may sound effects pa) Nabubuwisit talaga ako sa mga super PDA (Public Display of Affection hindi Philippine Dental Association) sa jeep.. kung makapaglambutsingan, akala nila silang dalawa lang tao sa sinasakyan nila.. Kulang na lang humiga na sila sa lapag ng jeep.. At ang nakakirita pa nyan kapag kakabreak myo lang ng bf mo tapos makikita mo silang super sweet. Ansarap sigawan ng “Sige na kayo na sweet!! Ako na walang lovelife!) Hahahaha..

Rakenrol!!

No comments:

Post a Comment