2) FACEBOOK IS MY DIARY - Sila naman yung update ng update ng mga ginagawa nila sa buhay. Kung ano kinakain nila ngayon. Kung ano ginagawa nila. Ultimo pagtae nila pinapaalam pa nila sa buong mundo.
3) PAGIFT PLEASE - Minsan kapag ang ganda ganda ng pagnenet mo, bigla na lang may magchachat sayo tapos nagpapagift sa Farmville, sa Petville o kaya sa kahit anong larong kinahuhumalingan nila.
Ako: (Matiwasay na naglalaro ng NightClub City)
FB Friend: Uy pagift naman ako sa Farmville. Kulang na lang ako ng isang turnilyo.
Ako: Di ako naglalaro ng Farmville e.
FB Friend: MAglaro ka na! Now na! Tapos igift moko! Hintayin ko! Okay?!
Ayun, sira na araw ko.
4) FACEBOOK FEELING CLOSE (FC) - Bigla na lang silang magmemessage sayo at papaisipin ka na matagal na kayong magkakilala.
FB FC: Hi.
Ako: Hello
FB FC: Kamusta ka na? Namiss kita.
Ako: Ay teka. Sino ka ba?
At eto ang mga pinakaayaw kong FB Users.. Dandananandandandandan…. (drum roll)
5) ANG MGA UNDECIDED - Sila yung mga kaibigan mo sa Facebook na parang nagbibihis lang ng damit kung magpalit ng Facebook relationship status. Ngayon, “in a relationship” sya. tapos mamaya maya magugulat ka “single” na sya bigla.
Ano ba??? Ayusin nyo buhay nyo! Naiistress kaya ako dahil sa inyo!
#Pano ako nastress? #Syempre, iniisip ko pa kung bakit ba sila naghiwalay. #Hahaha #Tsismosa ako e. Bakit ba.
/akosireaapun
Sa tingin ko kaya ka na-tag d'yan eh iniinsulto ka. Isa kaw zombie. :-P
ReplyDeletehaha. kaya nga e. napagkamaaln akong zombie.
ReplyDeleteMatulog ka kasi ng maaga ng di ka mapagkamalan. ^_^
ReplyDelete