Saturday, May 15, 2010

How To be a Full Pledged Jejemon (A Step by Step Guide in Becoming One)


Step1: Bawasan mo muna ang iyong katalunihan.. Malian mo ang iyong grammar at kalimutan mo na din ang tamang paggamit ng mga punctuation marks. Kung maykaya ka, magenroll sa Bachelor of Arts in Jeje Typing
Step 2: Gawing alternate ang paggamit ng maliliit na letra at malalaking letra. At lagyan ito ng H sa dulo, kung sa tingin mo’y mas magiging cool yung tinype mo.
Example: KaMusTa kA naH

Step 3: Wag gumamit ng letter G sa pagtatype.. Imbes na ‘G’ ang iyong gamitin, palitan ito ng number ‘9’ o kaya ng maliit na letter ‘Q’
Example: 6ood (good), qum (gum)

Step 4: Palitan ng number 3 ang mga letter E.. pero pwede mo pa rin gamitin ang letter e paminsan minsan.
Normal people: i love you rea
Jejemon: i L0v3 yOu rEa

Step 5: Kelangan alternate ang paggamit mo sa letter O, maliit na letter o, at sa number 0..
Normal people: good morning
Jejemon: qOod m0rnin9


Step 6: Maglagay ng maraming S at Z sa dulo ng bawat word na tinatype mo.
Normal people: Hello po
Jejemon: E0wsSsZ p0hwzZ

Step 7: Umisip ng paraan kung pano mo pa pwedeng mapagulo ang iyong pagtatype. Magdagdag ngunnecessary letters like z,x,h,s,c,f,j.. Basta kelangan hindi ito maintindihan ng kausap mo.
Example: w0wzZ.. AnKywOtsxsZZZZ m0Wh n3mEnhHH pOhwWZz!!

Step 8: At ang pinakamahalaga sa lahat.. Lagyang ng JEJEJE ang hulihan ng iyong pangungusap..
Normal people: ako nga po pala si Jejemon
Certified Jejemon: aqUohWz NgA pfUoHwz pLa zI J3jEmOn. jejeje


Ngayong isa ka ng Jejemon, may karapatan ka ng pasakitin ang ulo ng mga kachat mo, o kaya ng mga katext mo.. Gumawa ng account sa mga social sites katulad ng Facebook, Friendster, Multiply at iba pa, at ikalat ang iyong mga JEJEMON skills.

/AkOwWsZZ siHh R3A ApuNn.. Jejeje

No comments:

Post a Comment