Tuesday, November 5, 2013

May nakatagong emergency braces sa bag ko just in case may makita akong cute guy.
Heyow po, ene neym me? Emerged. :D

Tuesday, October 29, 2013

Ang love parang MRT. Pag kaya pa, pagsiksikan mo sarili mo. Pero pag wala na talagang pag-asa, hintay ka lang. May next train pa naman e.
---Rea Apun

Walang tensiyon

Ervic Vijandre on meeting Dingdong Dantes for the first time: Walang tensiyon.

Omaygash, pareho kami. Nung nakita ko si Dingdong Dantes for the first time: Walang tensiyon.

Dami-daming problema sa Earth, pati first meeting ng mga artista pinoproblema. Kaya di umuunlad ang Pilipinas e. Charot. Hahaha.

http://www.pep.ph/news/40914/ervic-vijandre-on-meeting-dingdong-dantes-for-the-first-time-walang-tensiyon

Note: Sa mga fans ni Ervic Vijandre, walang tensiyon ha, please.:D

Sunday, October 27, 2013

Mga Paraan Para Hindi Ka Mag-abot ng Pera sa Jeep

Naranasan mo na bang sumakay sa jeepney? Kung oo ang iyong sagot, malamang sa malamang ay naexperience mo na ring mag-abot ng mga bayad papunta kay Manong Drayber. Minsan kasi nakakainis na rin mag-abot ng mag-abot ng mga barya.
Yung tipong kakaabot mo ng mga barya ng kapwa mo pasahero e naiisip mo na na ‘kunduktor’ ka nung past life mo. Kaya eto ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin para hindi ka na mag-abot ng pera sa Jeep.

1. Kung babae ka, magsuot ka ng mga kikay na damit. At magpanggap na konyo. Sa tuwing may mag-aabot sayo ng barya, umakto kang diring diri sa inaabot nilang mga pera. Dapat ipakita mo pati sa mukha mo na parang isang malaking bulwak ng tae ang perang inaabot nila sa iyo. Porsyur, hinding hindi ka na nila ulit aabutan ng bayad nila.

2. Magsuot ng mga nakakatakot na damit. Ipaayos mo ang buhok mo at gawin mong tayo tayo na parang pang demonyo. Magmakeup ng itim. Magdala ka ng matatalim na kutsilyo. Tingnan lang natin kung may maglakas loob pa na abutan ka ng barya.

3. Magsuot ng headset, at magkunwaring napakalakas ng music na pinapakinggan mo. Isa ito sa mga mabisang paraan para maisalba mo ang iyong sarili sa pag-aabot ng mga barya. Sa tuwing may magpapaabot sayo ng pera, iyugyog mo ang ulo mo kasabay ng beat ng kantang pinapakinggan mo at umaktong wala kang naririnig. Wag ka mag-alala, ituloy mo lang ang pagyugyog ng ulo mo, magsasawa din mga kasama mo kakapaabot sayo.

4. Kung wala ka namang headset, dahil pulubi ka lang at wala kang pambili. Pwede rin namang umakto ka na lang na wala kang pakealam sa ibang tao sa mundo. Isa lang ang rule dito, wag na wag mong iaabot ang mga bayad ng kapwa mo pasahero kahit na magmakaawa pa sila sayo. Kahit na lakasan pa nila ang boses nila kakasabi ng “Paabot po!”, wag na wag kang matitinag,okay? Wag mo pa ring iabot ang mga bayad nila. Jayaan mo silang lumuha ng dugo, Getching?

At eto na ang pinakapaborito kong gawin sa lahat.

5. Pagkaabot mo ng bayad mo, pumuwesto ka kaagad sa dulong upuan, yung upuang pinakamalayo sa drayber, yung malapit sa labasan. May tama na lang sa utak ang sinumang mag-aabot ng barya sayo. Depende na lang kung mukha ka talagang kunduktor. Pasensyahan na lang kapag ganun.

Kung ayaw mo sundin tong mga nasa itaas, pwes mag-abot ka na lang ng barya. Madali lang naman kasi e. Iaabot mo lang. Tapos.

Wala pa naman akong nababalitaang namatay dahil lang sa pag-abot ng barya. Di ba? Hahaha

#minsan lang kasi may mga maarte talagang tao #ayaw mag-abot ng barya #naaawa ako sa kanila kaya ginawa ko tong tips nato #alabyu maaarteng pipol! #my sarcasm strikes again

Thursday, October 24, 2013

Mga Tips Para Hindi Ka Iwanan ng Jowa Mo

Minsan talaga di natin maiiwasan na darating tayo sa time na magsasawa na satin ang syota natin. Kapag nangyari sayo to, wag ka magpanic repapips, sundin mo lang ang mga tips ko sa ibaba para di ka na iwanan ng pinakamamahal mong jowa..
Tip #1 Magpaganda ka/Magpagwapo ka ng Todo Todo - Baka naman kasi nauumay lang sya sa itsura mo.. Sa sobrang tagal nyo kasing nagsasama, di talaga maiiwasan na magkasawaan. Kaya ang gawin mo, magpamakeover ka. Dalawin mo sina Dra. Belo at ang mag-asawang Calayan. Try mo gumamit ng Likas Papaya o kaya ng Perla kung di mo kayang iafford ang mga papaya soaps. Magbago ka ng hairstyle. Kung ang dating hati ng buhok mo ay sa kanan, ilipat mo naman sa kaliwa. Basta gawin mo lahat para magmukha kang ibang tao, para di sya masuya sayo. Nga pala, try mo ding magtoothbrush, baka yun lang ang problema.
Tip #2 Maging galante ka sa kanya - Bigyan mo sya ng mga mamahaling sapatos, mga mamahaling bag. Regaluhan mo sya ng Havaianas, ng Converse, ng Red Ecko, Jansport bags, Timex watches. Ilibre mo sya sa Manila Hotel. Ilibot mo sya around the world! Malamang sa malamang, magdadalawang isip yan kung iiwanan ka pa nya.
Tip #3 Gayumahin mo sya - Kung nagpaganda ka na at naubos mo na ang pera mo kakalibre sa kanya ngunit, subalit, datapwat, binabalak pa rin nyang ipagpalit ka sa iba, puwes dumiretso ka na sa Quiapo tsong. Kung di sya madaan sa santong dasalan, daanin mo sya sa santong paspasan. Pumasyal ka sa tapat ng Quaipo Church, sa gilid, bandang kanan, medyo malapit sa underpass at hanapin mo si Aling Gelang. Sa halagang isaandaang piso, siguradong maiinlababo na ulit sayo ang iyong iniirog. Ihalo mo lang ang iyong nabiling gayuma sa kanyang pagkain o inumin. At siguraduhin mo lang na sayo sya nakatingin pag nilamon nya nag gayumang nilagay mo.
Kung wala talagang epekto ang mga nasa itaas.. Wala ka ng choice kundi gawin ang nasa ibaba.
Tip #4 Kung sa tingin mo ay triny mo na lahat lahat pero desidido talaga syang ipagpalit ka sa iba, ganito lang ang gawin mo.. UBUSIN MO LAHAT NG TAO SA EARTH! Yung tipong dalawa na lang kayong natitira sa mundong ibabaw. Para no choice na sya kundi pagtiisan ka, di ba? Tingnan na lang natin kung iwanan ka pa nya. Letche sya!

Disclaimer: I will not be liable for any damages you will suffer as a result of following the above tips. Bwahahaha.=p

Why did the Chicken Cross the Road?

Marami ng mga sikat na tao sa ibang bansa ang sumagot ng katanungang iyan. Pakinggan naman natin kung anong say ng mga local celebrites natin dito sa Pinas.


Why did the chicken cross the road?



Santino: Dahil po kay Bro





Kuya Kim: Alam niyo ba mga kaibigan na ang chicken ay isang uri ng domesticated fowl na may kakayahang lumipad ngunit hindi gaanong kataas. Meron itong scientific name na Gallus domesticus. At ang road naman ay blah blah blah (mahaba haba pa yang TRIVIA ni Kuya Kim kaya pinutol ko na_.








Chito Miranda: Para gumawa ng maraming sex videos.

(Si Hayden Kho nagwalk out, yun din daw sagot nya. Mr. Hayden Kho, di mo matitinag si Chito! Haha.)


Noynoy Aquino: Dahil sa kanyang MAMA AT PAPA






Mike Enriquez: Excuse me po!! Ikaw na manok ka hnding hindi ka namen tatantanan!







Manny Pacquiao: Umm, aktually, ummm, yes! Now yu know!










Chicken: Putangina nyo! 

Nung nakachat ko fan ko..

Oo, may fan ako. Hahaha.. Di nga ako makapaniwala e. Fan daw sya ng blog ko. Kaya wala nakong magawa kundi paniwalaan sya. So ayun nga, chinat nya ako.
Fan: Hi Miss Rea good evening
Ako: Ah magandang gabi din po sayo
Fan: Malungkot ka po ba?
Ako: Di naman
Fan: Akala ko po kasi malungkot kayo
Ako: Hehe
Fan: Wow napasaya ko kayo. Alam nyo po maski isang “hehe” nyo lang masaya na ako
Ako: HEHE HEHE HEHE HEHE HEHE
O ayan maraming ‘hehe ’ na yan. Masayang masaya ka na ba?=p
Ayun nagbabye sya bigla.. Waah! May nasabi ba akong mali? Hahaha
Sama ng ugali ko, wala kong matatanggap na regalo kay Santa sa Pasko. :(